Maging si Kapamilya star at “It’s Showtime” host Anne Curtis ay nakaladkad sa mga ginagawang cover song ng aktor na si Aljur Abrenica.
Sa latest Facebook post ni Aljur noong Biyernes, Oktubre 31, mapapanood ang bagong video ng pag-cover niya sa kantang “Himala” ng Rivermaya na hinirit mismo ni Kapamilya Primetime King Coco Martin.
"Pareng Aljur,” sabi ni Coco, “naririnig namin at napapanood namin 'yong mga malulupit mong kanta. Baka naman puwede kaming mag-request sa 'yo. Sana katahin mo naman 'yong 'Himala' by Rivermaya.”
Umani ng samu’t saring reaksiyon ang nasabing video. Isang netizen pa nga ang humikayat kay Aljur na mag-concert sila ni Anne.
"Concert duo kau ni anne curtis bro," saad sa comment.
Samantala, wala pa namang reaksiyon o pahayag si Anne kung kakasa ba siya sa hamong ito. Pero narito ang iba pang komento ng ilang netizens:
"umisa kapa tlga eh no hahahahaha"
"Tenor pala bosses mo sir Aljur.. Tenor-ture. di joke lng.."
"No Reverb No Echo ahahahahaha Aray Nio..Natural Voice Superb"
"Many people who don't know how to sing laugh at facial expressions when Sir Aljur sings, without knowing how hard it is to use falsetto and sing high notes."
"Nadali ka ni Coco Martin "
"kumacarlos agassi na si machete "
"Sobra mka comment Yung iba Dito okey nman boses ni Aljur eh kau kaya?sample nga"
"Okay naman boses Niya,Saka Yung iba nga napaka sintunado lakas loob kumanta Atlist so Aljur maganda boses"
Matatandaang nagsimulang pag-usapan ang mga song cover ni Aljur ng ilabas niya noong Setyembre ang sariling bersyon niya ng “I Live My Life For You” ng Firehouse.
Sa kasalukuyan, pumalo na sa 22 milyon ang kabuuang views ng nasabing video.
Maki-Balita: 'Favorite naming cover!' Bibig ni Aljur Abrenica, tinapalan!