December 15, 2025

Home SHOWBIZ Teleserye

John Arcilla, new look sa pagbabalik-Encantadia!

John Arcilla, new look sa pagbabalik-Encantadia!
Photo Courtesy: GMA Encantadia (IG), John Arcilla (FB)

Magbabalik ang karakter ni award-winning actor John Arcilla bilang “Hagorn” sa “Encantadia Chronicles: Sang'gre.”

Sa isang Instagram post ng GMA Encantadia nitong Sabado, Nobyembre 1, inanunsiyo nila ang pagbabalik ni Hagorn.

“HAGORN IS BACK!” saad caption.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Teleserye

'Buti nagbabasa muna ako' Pagtsugi kay Boboy Garrovillo sa Sang'gre, nagdulot ng kaba

"Buti naman may screentime na Balaak in fairness ang ganda ng concept"

"What if makuha ni Hagorn yung apat na brilyante"

"Ang gulo gulo na ng Sang'gre tapos dinagdagan pa nila na nabubuhay na character..."

"Parang mas maganda sa Balaak kesa sa Devas."

"Ohhhh my ahahaha "

"Omggg my favorite and iconic villain IS BACK"

"buhay ka pa sis?!?!?"

"Halo-halo Sang'gre edition! Are there no interesting characters to developed the present day Encantadia? Why so heavy on old characters? I guess the Mitena storyline is really weak to begin with."

Matatandaang si Hagorn ang pinuno ng kaharian ng Hathoria na tinangkang sakupin ang buong Encantadia. Sa 2016 remake ng Encantadia, namatay siya matapos saksakin nina Ariana at Raquim sa kanilang pagtutuos.