December 14, 2025

Home SHOWBIZ Events

'Heaven has gained a beautiful angel!' Kuya Kim at Felicia Atienza, nag-post ng makabagbag na tribute para kay Emman

'Heaven has gained a beautiful angel!' Kuya Kim at Felicia Atienza, nag-post ng makabagbag na tribute para kay Emman
Photo courtesy: feliciaatienza (Instagram)

Nag-alay ng makabagbag-damdaming tribute sina GMA TV host Kuya Kim at asawa nitong si Felicia Atienza para sa namayapang anak na Emman Atienza, nitong Sabado, Nobyembre 1. 

Sa kanilang collaborative Instagram post, ibinahagi ng mag-asawa ang litrato ng mga labi ni Emman, na napalilibutan ng mga bulaklak. 

“Heaven has gained a beautiful angel. My precious Emman is wrapped in His eternal love where there is no more sorrow,” saad sa kanilang post. 

“Emman, your laughter and spirit will echo loudly in Heaven. One day, we will be together again, my love, my mini-me,” dagdag pa nila. 

Events

Chelsea Fernandez, inirampa Maranao Sarimanok sa Miss Cosmo 2025

Sa kaugnay na ulat, ibinahagi rin ni Kuya Kim sa kaniyang social media noong Biyernes, Oktubre 31, na ilalagak sa The Heritage Memorial Park ang mga labi ni Emman, mula Nobyembre 3 hanggang 4. 

Matatandaang kinumpirma ni Kuya Kim ang pagpanaw ni Emman noong Biyernes, Oktubre 24, sa edad na 19. 

KAUGNAY NA BALITA: Kuya Kim, kinumpirma pagpanaw ng anak niyang si Emman Atienza