January 24, 2026

Home SHOWBIZ Teleserye

Esnyr, magbabalik sa loob ng Bahay ni Kuya!

 Esnyr, magbabalik sa loob ng Bahay ni Kuya!
Photo Courtesy: GMA Network, PBB ABS-CBN (FB)

Nakatakdang bumalik bilang house guest sa Bahay ni Kuya ang dating Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition housemate na si Esnyr Ranollo.

Si Esnyr ang itinaghal na 3rd Big Placer noong nakaraang edisyon kasama ang ka-duo niyang si Charlie Fleming.

Sa huling bahagi ng episode ng PBB: Celebrity Collab Edition 2.0 nitong Sabado, Nobyembre 1, ipinasilip ang pagbabalik ng dating housemate.

“Maligayang pagbabalik sa akin bahay, Esnyr,” pagbati ni Kuya.

Teleserye

Higop King Supremacy! Leading ladies na 'hinigop' ni Joshua Garcia sa teleserye

Sabi naman ni Ensyr, “Atake!”

Matatandaang isang linggo na ang nakalilipas simula noong opisyal nang buksan ang Bahay ni Kuya para sa ikalawang edisyon ng PBB.

Binubuo ng 20 artista mula sa GMA at ABS-CBN ang mga bagong housemate.

Maki-Balita: Bahay ni Kuya, binuksan na para sa PBB: Celebrity Collab Edition 2.0