December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Aiko sa DPWH bilang Halloween costume: 'Proud kayo? Ibig sabihin nakakatakot na kayo sa paningin ng tao!'

Aiko sa DPWH bilang Halloween costume: 'Proud kayo? Ibig sabihin nakakatakot na kayo sa paningin ng tao!'
Photo courtesy: Aiko Melendez (FB)/GMA News

Usap-usapan ang makahulugang post ng aktres at Quezon City 5th District Council member na si Aiko Melendez patungkol sa kontrobersiyal na Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa kaniyang Facebook post noong Sabado, Nobyembre 1, nagbigay siya ng pasaring sa DPWH na karamihan daw, ginamit itong costume para sa Halloween parties.

"GOOD AM grabe dami naka costume ng DPWH kagabi. Proud kayo? Kayo na ginagaya ngayon. Ibig sabihin nakakatakot na kayo sa paningin ng tao. Awoooooo," aniya.

Photo courtesy: Aiko Melendez/FB

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"may kagabi naka contractor attire sabi nya sya taga hawak ng ghost project"

"Anong hitsura Ng dpwh costume? Pa view nman."

"Kahit hindi na sana sila nag costume,,wala naman pagkakaiba"

"Aguy!!!proud DPWH,soon to be ghost!!!!"