Usap-usapan ng mga netizen ang kontrobersiyal na social media personality na si Sassa Gurl matapos nitong gayahin ang "OOTD" o Outfit of the Day ng social media influencer na si Jammy Cruz para sa Halloween costume niya ngayong taon.
Sa kaniyang social media post, makikitang suot ni Sassa ang signature outfit ni Jammy—may orange top at cream pants, designer bag, at kumpiyansang aura na tila diretsong galing sa viral “lifestyle check” meme.
"Jammy Cruz after ma lifestyle check. Happy Halloween," mababasa sa caption ni Sassa.
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens lalo na’t si Jammy Cruz ay kilalang social media influencer na nadawit kamakailan sa mga usapin ng “nepo baby” culture at umano’y isyung may kinalaman sa korapsyon.
KAUGNAY NA BALITA: Content creator, tinanong kung wala bang pusod isang 'disney princess’
"Hahahaha eguls! May leeg ka ma!"
"Mas bagay pa sa'yo miemaaaaa waaahhhh"
"It looks better on you mima HAHAHAHAH"
"Sassa wore it better."
"Pero in fairness you wore it better than her."
Unang nakilala si Sassa Gurl sa kaniyang comedic content online, bago niya pasukin ang pag-arte. Sa kabila ng kaniyang pagpasok sa showbiz, hindi pa rin nawawala ang trademark niyang humor na may halong social commentary—na muli niyang pinatunayan sa kanyang viral Halloween look.
Pero kamakailan lamang, nalagay sa alanganin si Sassa matapos niyang magpakawala ng malutong na mura hinggil sa natanggap na X-rating ng pelikulang "Dreamboi" mula sa Movie and Television Rating and Classification Board o MTRCB.
Kaya naman, na-summon ng pamunuan ng MTRCB si Vic Del Rosario, may-ari ng Viva, para pagpaliwanagin ito hinggil sa insidente.
MAKI-BALITA: MTRCB, pinatawag Viva dahil sa pagmumura ng 'di pinangalanang content creator