Papalo sa ₱91 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na bobolahin ngayong Biyernes ng gabi, Oktubre 31.
Matatandaang sinabi ni PCSO General Manager Melquiades Robles kamakailan na bilang bahagi ng 91st anniversary ng PCSO, ginawa nilang ₱91 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 at Grand Lotto 6/55.
Bukod sa Ultra Lotto, bobolahin din ngayong gabi ang Mega Lotto 6/45 na may jackpot prize na ₱36 milyon.