Naglabas ng bagong pahayag si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kaugnay sa mga natanggap umano niyang pagbabanta mula sa Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon sa isinapublikong post ni Barzaga sa kaniyang Facebook nitong Biyernes, Oktubre 31, mababasang tahasan niyang sinabing “Philippine Crocodile Guard” ang nasabing ahensya.
“I received plenty of threats from the Philippine Crocodile Guard,” pagsisimula niya.
Photo courtesy: Kiko Barzaga (FB)
Sa pagpapatuloy ni Barzaga, pinaalalahanan niya ang publiko at mga tagasubaybay niya na huwag mag-aalala dahil hindi raw siya mapapatahimik ng PCG.
“[P]ero wag kayong mag-alala, di nila ako kayang patahimikin,” aniya.
Binalikan din ni Barzaga ang pangyayari noon na pag-water cannon ng bansang China sa PCG noon.
“Water Cannon lang galing China iyak na agad sila, ako pa kaya?” pagtatapos pa ng congressman.
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang tanggapan ng PCG kaugnay sa naturang pahayag ni Barzaga.
Bukod dito, matatandaang sinita na noon ni PCG Spokesperson Cdre. Jay Tarriela si Barzaga kaugnay sa pinanawagan nitong abolisyon sa nasabing ahensya.
MAKI-BALITA: 'It is deeply insulting!' PCG spox Jay Tarriela, sinita panawagang abolisyon ni Barzaga
“I am compelled to respond to the misleading and inflammatory remarks made by Cong. Kiko Barzaga in a circulating video, which grossly misrepresent the Philippine Coast Guard’s mandate, operations, and the very essence of our service to the Filipino people[...]” saad ni Tarriela sa kaniyang “X” account noong Martes, Oktubre 28, 2025.
“[T]o call for the abolition of the PCG and dismiss our existence as a “waste of government funds” is both reckless and deeply insulting to the 36,000 strong of the PCG who serve this nation with honor and courage,” dagdag pa ni Tarriela noon.
MAKI-BALITA: ‘Corrupt establishment daw, puwedeng maging sanhi ng World War III?’ Barzaga, sigaw abolisyon ng PCG
MAKI-BALITA: 'Consult with a doctor or a lawyer!' Tarriela, pinapabawi kay Barzaga pahayag kontra PCG
Mc Vincent Mirabuna/Balita