December 14, 2025

Home SPORTS

'No excuses!' Eumir Marcial, ibinahaging may iniinda sa laban nila ni Colmenares

'No excuses!' Eumir Marcial, ibinahaging may iniinda sa laban nila ni Colmenares
Photo courtesy: Eumir Marcial (FB)

Ibinahagi ni Olympic bronze medalist Eumir Marcial sa publiko na may iniinda siyang masamang tiyan noong nagkaharap sila ni Eddy Colmenares sa Thrilla in Manila. 

Ayon sa naging pahayag ni Marcial sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Oktubre 31, mayroon daw siyang “bad case” ng diarrhea sa naging laban nila ni Colmenares noong Miyerkules, Oktubre 29, 2025. 

“I gave everything I had in that ring last night, even while battling through a bad case of diarrhea,” pagsisimula niya. 

Ani Marcial, maaari raw mabaliktad ang naging resulta ng kanilang laban noon kung napuruhan pa siya ni Colmenares sa sikmura. 

Ranking ng Pilipinas, patuloy pagratsada sa 33rd SEA GAMES 2025

“Another shot to the stomach could’ve ended it for me, but I pushed through the pain and kept fighting until the final bell,” saad niya. 

Sa kabila nito, pinuri naman ni Marcial ang kapuwa niya boksingero at naging katunggali na si Colmenares. 

“No excuses, though Colmenares is a tough warrior. He came all the way to the Philippines to bring back the spirit of the Thrilla in Manila,” aniya. 

“Much respect and big salute to you, hermano,” pagtatapos pa ni Marcial. 

Sa naging laban ni Marcial at Colmenares, dalawang beses bumulagta sa ring ang boksingerong Pinoy dahil sa mga binitawang kombinasyon ng kapalitang-suntok nito.

Samantala, matagumpay pa ring naiuwi ni Eumir ang panalo kontra kay Colmenares sa pamamagitan ng majority decision sa mga judge scores na 95-93, 95-93, at 94-94 pabor sa kaniya. 

“‘Di ko in-expect na makukuha ko pa ‘yong panalo[...] talagang nilaban ko lang kasi grabe din ‘yong crowd, hindi nila ako pinabayaan sa laban,” saad ni Marcial.

MAKI-BALITA: 'Mana sa ama!' Anak ni Manny Pacquiao, wagi sa Thrilla in Manila 2

Mc Vincent Mirabuna/Balita