Patay ang isang 58-anyos na lalaki matapos siyang hatawin ng kahoy at paluin ng pala ng kaniyang sariling anak sa Davao City.
Ayon sa mga ulat, nagkakape lamang umano ang biktima sa kanilang tahanan nang biglang dumating ang kaniyang anak na suspek.
Lumalabas din sa imbestigasyon na may dala na raw na kahoy ang suspek nang dumating sa kanilang bahay at biglang hinataw ang kaniyang ama.
Kasunod nito, isang pala pa ang nahagip ng suspek at saka muling hinampas sa biktima. Hinala ng pulisya, personal na galit ang tinitingnan nilang motibo ng suspek sa pagpatay sa sariling ama.
Samantala, nahuli naman agad ang suspek na nasa kustodiya na ng mga awtoridad. Nahaharap siya sa kasong parricide.