Inalmahan ni Senate Pro Tempore Sen. Ping Lacson ang umano’y katotohanan na wala sa ilalim ng pangangalaga ng Philippine Marine si retired Master Sergeant Orly Regala Guteza.
Ayon sa isinapublikong pahayag ni Lacson sa kaniyang “X” noong Huwebes, Oktubre 30, nalaman niyang hindi raw totoong nasa ilalim ng kustodiya ng Philippine Marine si Guteza.
“As per verification made with the Marine Commandant, MGen Vince Blanco (PMA Cl ‘91), through fellow cavaliers, Guteza is not and has never been under their custody. How much more fakery can we take?” mababasa sa kaniyang post.
Photo courtesy: Ping Lacson (X)
Umami naman ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang naturang pahayag ni Lacson.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post ng senador:
“Grabe po ung mike defensor sana makasuhan at si sen marcoleta for presenting them without verifying.”
“Grabe naman.”
“Watching his interview on On Point, he was making freudian slip several times.”
“Galing talaga manahi ng kwento nung Mike Arroyo, very Ador Mawanay ang galawan eh.”
“Tinago na yan ni marcoleta.”
“Kasuhan na yan sila lahat.”
“We can’t take it anymore, Sen Lacson! Please, please do something about it!!!!”
“Iiyak nanaman sina kubeta at defensor”
“Pwede kaya makasuhan Yung mike defender? Bakit noon di man lang nakaduhan Yan?”
Matatandaang kasabay na ring nilinaw ng Philippine Navy na wala umano sa ilalim ng kanilang proteksyon si Guteza na taliwas umano sa mga lumabas na balita noon na nasa ilalim ito ng pangangalaga ng Philippine Marine.
MAKI-BALITA: PH Navy, itinangging nasa ilalim ng kanilang proteksyon si Guteza
“The Philippine Navy emphasizes that Mr. Orly Regala Guteza has been retired from the Philippine Marine Corps since June 30, 2020. As a retired serviceman, he no longer falls under the administrative authority of the Philippine Navy,” ani Navy spokesperson Capt. Marissa Martinez noon ding Huwebes, Oktubre 30.
“Any engagements or interactions he may have at present are undertaken in his personal capacity,” dagdag pa niya.
“It must also be made clear that Mr. Orly Regala Guteza is not under the protection of the Philippine Marine Corps, which has no involvement in his personal affairs,” paglilinaw pa ni Martinez.
Mc Vincent Mirabuna/Balita