Tinupad ng aktor na si Aljur Abrenica ang kamakailang request ni Kapamilya Primetime King Coco Martin na kantahin daw niya ang “Himala” ng Rivermaya.
Ayon sa inupload na video ni Aljur sa kaniyang Facebook account nitong Biyernes, Oktubre 31, mapapanood ang maiksing clip ni Coco mula sa kanilang set na ang paghiling nito na mag-cover daw siya ng nasabing kanta.
“Pareng Aljur, naririnig namin at napapanood namin ‘yong mga malulupit mong kanta, baka naman puwede kaming mag-request sa ‘yo. Sana kantahin mo naman ‘yong Himala by Rivermaya!” saad ni Coco.
Photo courtesy: Aljur Abrenica (FB)
Say less at wish come true naman ang tugon ni Aljur sa naturang request ng kapuwa niya aktor.
Confidently at buong pusong kinanta ng online sensation ngayon na si Aljur ang Himala ng Rivermaya.
Dahil dito, patok at umani ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang naturang song cover ni Aljur.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa nasabing post ng aktor:
“Okay narin to kesa kay Carlos aggasi.”
“I don’t know where the hate is coming from pero his voice is on point naman dito. Let’s just support each one of us kung saang larangan feel natin mag venture.”
“Concert duo kau ni anne curtis bro.”
“Next cover guys...Our ears.”
“Honestly? This dude knows how to sing. It's just that. a lot of people hate him because of what he has done in the past.”
“Tenor pala bosses mo sir Aljur. Tenor-ture. di joke lng.”
“Golden Buzzer ngani!”
“Pamily is lab by coco Martin naman.”
MAKI-BALITA: 'Favorite naming cover!' Bibig ni Aljur Abrenica, tinapalan!
Mc Vincent Mirabuna/Balita