January 22, 2026

Home BALITA

Driver, siklista, nagsabong sa kalsada dahil sa busina?

Driver, siklista, nagsabong sa kalsada dahil sa busina?

Nagkalat sa social media ang road rage sa pagitan ng isang driver ng kotse at siklista matapos umano silang magkainitan dahil sa busina.

Mapapanood sa video ang ang pisikalan ng driver at siklista malapit sa driver’s seat ng kotse na tila nagkamurahin din.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, lumampas umano sa bike lane ang siklista matapos niyang iwasan ang isang basang kalsada, kaya’t napunta siya pansamantala sa gitnang bahagi ng daan. 

Bunsod nito, doon na raw siya malakas na binusinahan ng driver ng kotse na nasa kaniyang likuran at di umano’y nakatikim din daw ng mura ang siklista. Doon na raw hinabol ng siklista ang kotse kung saan nauwi ito sa komprontahan at pisikalan.

Metro

Sec. Dizon, tiniyak maiibsan lagpas-taong baha sa Araneta, QC bago ang tag-ulan

Samantala, isang pulis naman ang mabilis namagitan sa dalawa at hindi umabot sa demandahan ang insidente dahil matapos makapag-usap, nagkaayos din ang dalawa.

“Napaliwanagan sila na may kakaharapin silang parehas na kaso kung talagang gusto nila i-pursue. Nakapag isip-isip naman po sila na wag na lang. Naayos naman po nila yung kanilang hindi pagkakaunawaan,” ani Police Colonel Jenny Tecson sa panayam ng media.

May paalala naman ang awtoridad sa mga motorista.

“Dapat po habaan natin ang ating pisi o pasensya. Huwag din tayong pikon. Give and take lang naman yan. Kung hindi ka marunong mag give way, walang mangyayari,” pahayag ni Col. Tecson.