December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

AiAi sa pag-revoke ng green card ng dating mister: 'Iyon na lang ganti ko'

AiAi sa pag-revoke ng green card ng dating mister: 'Iyon na lang ganti ko'
photo courtesy: Fast Talk with Boy Abunda/YT, Balita file

Nagbigay-pahayag ang Comedy Concert Queen na si AiAi Delas Alas patungkol sa green card ng estranged husband niyang si Gerald Sibayan.

Sa Fast Talk with Boy Abunda noong Oktubre 30, ibinahagi ni AiAi na ayaw niya i-revoke ang green card ni Gerald.

'No'ng una ayoko talagang gawin 'yon pero no'ng bandang huli naisip ko parang, ayoko namang maging santa or something, iyon nalang 'yong ganti ko para sa sarili ko [dahil] nasaktan ako," anang aktres.

"Na-revoke na 'yon kasabay 'yon ng divorce ko pero 'yong divorce ko hindi pa lumalabas," dagdag pa niya nang tanungin kung ano ang estado nito.

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Samantala, ibinahagi rin ni AiAi na bagama't nasa moving on stage pa rin ay "at peace" na ang puso nito.

"Sabi ko nga mayroon akong legacy of peace," aniya.

Matatandaang nito lang Marso nang bawiin ni AiAi ang Petition for Alien Relative para sa dating mister.

“After a thorough review of your petition and the record of evidence, we must inform you that the approval of your petition has been automatically revoked,” saad sa desisyon ng U.S. Citizenship and Immigration Services (USCIS).

Isa umano sa inilatag na dahilan ni Ai Ai para bawiin ang petisyon niyang maging permanent resident ng Amerika si Gerald ay ang pagkakaroon nito ng third party.

Matatandaang Enero nang unang magpahaging si Ai Ai tungkol kay cheater na ang mistress umano ay Pilipinas.

Nang sumunod namang buwan, Pebrero, nagbigay ulit siya ng update tungkol kay na bumili umano ng ring sa babae.

MAKI-BALITA: May nabalitaan kay 'Cheater,' pasabog ni Ai Ai: 'Take note si mistress ay Pilipina!'

MAKI-BALITA: Ai Ai may update kay 'Cheater,' bumili ng ring para sa bagong babae?