Walang nanalo sa Super Lotto 6/49 na binola nitong Huwebes ng gabi, Oktubre 30, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Ayon sa PCSO, walang nakahula ng anim na winning numbers ng Super Lotto 6/49 na 10-45-03-19-04-13, na may kaakibat na premyong ₱150,230,626.80.
Wala ring nanalo sa Lotto 6/42 kung saan lumabas ang winning numbers na 03-28-08-07-41-23 at may premyong ₱53,103,612.80.
Dahil dito, asahan na mas tataas pa ang premyo.
Binobola ang 6/49 tuwing Martes, Huwebes, at Linggo habang Martes, Huwebes, at Sabado naman ang 6/42.