December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Walang masama sa pagkakaroon ng pera huwag lang galing sa kaban ng bayan!'—Karen Davila

'Walang masama sa pagkakaroon ng pera huwag lang galing sa kaban ng bayan!'—Karen Davila
Photo courtesy: via MB

May diretsahang pahayag si ABS-CBN broadcast journalist Karen Davila sa mga politikong nagpapakita sa publiko ng kopya ng kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN sa kabila ng panawagang transparency sa mga politiko, dala na rin ng isyu ng korapsyon at anomalya sa pamahalaan.

Mababasa sa X post ni Karen nitong Huwebes ng umaga, Oktubre 30, na ayos lang naman daw na may pera ang isang politiko, pero titiyakin daw sana na galing ito sa sariling bulsa at hindi mula sa pangungulimbat sa kaban ng bayan.

"The SALNs are out," anang Karen.

"I hope our public officials stop under declaring their wealth by technicality making themselves appear ‘poorer’ than they truly are. This will bite you in the a** one day."

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

"Walang masama sa pagkakaroon ng pera huwag lang galing sa kaban ng bayan," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Karen Davila/X

Sa isa pang X post, may binitiwan pang "pasabog" si Karen mula raw sa kaniyang source.

"I hope we don’t end up with a reenacted budget."

"My sources tell me yung flood control nilipat lang ng kongreso sa ayuda. The ‘slush fund’ remains."

"Sana naman bumili na sila ng konsensya," aniya pa.

Photo courtesy: Screenshot from Karen Davila/X