Usap-usapan ng mga netizen ang X post ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla na tila bumabarda sa bashers patungkol sa mga anak na sina Zia Quizon at Nicole "Coco" Quizon.
Bihirang gawin ni Zsa Zsa ang pumatol sa detractors online kaya naman umani ng mga reaksiyon at komento ang kaniyang post.
Bagama't hindi nilinaw ni Zsa Zsa ang puno't dulo nito, tila sinagot ni Zsa Zsa na kamukha ni Zia ang pumanaw na amang si Comedy King Dolphy.
Sinagot din ni Zsa Zsa kung nasaan daw ang "ampon" na si Coco.
Mababasa sa X post ng singer-actress, "Si Zia Kamukha ni Dolphy. Magulat kayo kung Kamukha sya ni Panchito! Ang aga pa ah. Eto pa isa- asaan ang ampon? May pangalan anak ko: Coco. She is living in California with her husband."
Hirit pa ni Zsa Zsa, "Kala nyo inaapi? Minor pa din? Tawag ka ng pulis. Report mo ako. Sarap nyo tirisin."
Photo courtesy: Screenshot from Zsa Zsa Padilla/X
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"I love this miss Z. More patol po. Pakitiris mga garapata."
"Low-key Zia fan here. Kamukhang-kamukha niya si late father nya. One of my bookworm/creative industry friends personally know Nicole (Coco) as well. Nasobrahan sa pagkaburyong mga tao kaya kung anu-anong issue na ang ginagawa. Hayy."
"You got me laughing hard at Panchito Divine Diva. You really can throw funny lines…"
"I see Ms. Zsa Zsa as a very kind person. May namba-bash pa din sa kanya kahit wala naman siyang ginagawang masama sa mga taong ito. Sukdulan sigurong sa kasamaan ng budhi nitong mga bashers na’to."
"My mama Z on her patola era hahhaha...jusko pinalabas ang dragon na natutulog....iba talaga pag anak na ang kinakanti."
Si Zia, na isa ring singer, ay biological daughter ni Zsa Zsa sa longtime partner na si Dolphy habang si Coco naman ay adoptive daughter nila.
Si Zia ang umawit ng kantang "Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo" na naging theme song ng pelikula ni Kim Chiu, na katulad din ang title.
Si Coco ay nag-aral ng Anthropology sa University of Melbourne sa Australia. Batay sa ulat ng GMA News, related ang trabaho ni Coco sa marketing at advertising company.