December 13, 2025

Home BALITA Politics

Sagot ni Rep. Barzaga kung kung sino pipiliin sa pagitan nina PBBM at VP Sara: 'Team Meow!'

Sagot ni Rep. Barzaga kung kung sino pipiliin sa pagitan nina PBBM at VP Sara: 'Team Meow!'

May sagot si Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga hinggil sa kaniya umanong politikal na opinyon sa pagitan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Barzaga nitong Huwebes, Oktubre 30, 2025, isang maikling sagot ang iniwan ng mambabatas hinggil sa pamimili raw niya sa pagitan nina PBBM at VP Sara.

“Sa Team Meow meow. Ako yung meow meow,” ani Barzaga.

Matatandaang mismong si Barzaga ang aminado na minsan niyang sinportahan ang tambalanng Marcos-Duterte noong 2022.

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Subalit, isang Facebook post din ang ibinahagi ni Barzaga hinggil sa pagsuporta niya noon sa Uniteam.

“Oo BBM-SARA Uniteam  ako dati, malay ko ba na si Martin Romualdez ang uupong Presidente,” saad ni Barzaga.

Kaugnay nito, ilang FB post din ni Barzaga ang nakalkal ng netizens hinggil sa pagsuporta parin ni Barzaga kay PBBM noong eleksyong 2022.

"I didn’t switch for power, wealth, or gratitude. I switched to BBM/Sara because they are the key to our country’s prosperous future. #SwitchtoBBM #BBMSARA2022," saad ni Congressmeow. 

Tinawag pa niyang "best candidate" si Marcos.

"Note: After personally hearing all of them speak, it was obvious that BBM is the best candidate. Sharon Cuneta’s comments on Sal Panelo also shows how the Robredo Camp views PWDs," ani Barzaga. 

KAUGNAY NA BALITA: 'BBM is the best candidate!' Pagsuporta ni Barzaga kay PBBM noon, binalikan ng netizens!