Ipinahayag ni Akbayan Partylist Rep. Atty. Chel Diokno ang kaniyang pasasalamat sa Supreme Court (SC) matapos nitong ilahad na magtatalaga ito ng “special courts” upang dinggin ang mga kasong may kaugnayan sa imprastraktura at korapsyon.
“We thank the Supreme Court for heeding our call to expedite and prioritize corruption cases, and we urge the judiciary to impose strict time limits on the trials and appeals,” ani Rep. Diokno sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Oktubre 30.
“Dapat itong bigyang pinakamataas na prioridad, dahil buong sambayanan ang ninanakawan, niloloko, at pinapahirapan,” saad pa niya.
Kaugnay nito, matatandaang ilang mambabatas na rin ang nanawagan upang bigyan ng ngipin naman ang Independent Commission for Infrastructure (ICI), na siyang itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na iimbestiga sa iregularidad at maanomalyang flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
“As the plot thickens, it becomes even more urgent and imperative to pass House Bill No. 4453. To ferret out the truth and ensure accountability–whoever is involved–Congress must act swiftly and decisively,” ani De Lima.
KAUGNAY NA BALITA: De Lima, pinabibilisan pagsasabatas ng HB 4453 laban sa umano'y 'biggest corruption scandal in our history'-Balita
Nagpahayag naman kamakailan ang Palasyo hinggil sa mga panawagang ito.
“Unang-una po, dapat po siguro makita muna ‘yong pinakadetalye, para po mapag-aralan ito, at kung kinakailangan mag-isyu po ng Certificate for Urgency, ‘yan po ay gagawin ng Pangulo kung matapos po niyang mabasa kung ano po ang gagawing bill,” ani Usec. Castro, sa isang press briefing na isinagawa ng Presidential Communications Office (PCO).
KAUGNAY NA BALITA: Palasyo, sinagot panawagan ng ilang kongresista na palakasin kapangyarihan ng ICI-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA