Sinagot ni Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga ang ilan sa umano’y isyu ng Dasmariñas City, Cavite na hawak ng kaniyang pamilya.
Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Barzaga nitong Huwebes, Oktubre 30, 2025, nilinaw niya ang tugong ginagawa raw nila sa mga problema ng Dasma katulad na lamang ng supply ng tubig, matinding traffic, at road constructions.
“Road constructions are under DPWH which I am actively attacking. Secondly, yung water. Yung water prime water ‘yon. I spoke with Sen. Villar, he has until last week of October which is about to end. Next week, I’ll be releasing a statement against Prime Water. And yung last yung sa traffic,” anang mambabatas.
Hinggil naman ng isyu sa lagay ng trapiko sa kanilang bayan, “Yung traffic doon sa Aguinaldo highway ‘yon. It’s a national highway our local government has no control to that. Whether you view it from Imus, Silang, Dasma, there’s always traffic there.”
Nang matanong naman kung nagbabalak pa rin siyang iratsada ang kaniyang panunungkulan sa politika sa 2028, sagot ni Barzaga, “Baka tatakbo ulit. Who knows?”
Saad pa niya, “If there’s no better position, then I will run for Congress again.”
Naging matunog ang pangalan ni Barzaga matapos ang magkakasunod niyang tirada laban kay noo’y House Speaker Martin Romualdez hinggil sa umano’y kaugnayan nito sa isyu ng maanomalyang flood control projects.