December 13, 2025

Home SHOWBIZ Pelikula

'Pinoy powerhouse!' Liza Soberano at Lea Salonga, ibibida mga boses sa Forgotten Island ng DreamWorks Animation

'Pinoy powerhouse!' Liza Soberano at Lea Salonga, ibibida mga boses sa Forgotten Island ng DreamWorks Animation
Photo courtesy: lizasoberano (IG), leasalonga (website)

Pangungunahan nina Broadway legend Lea Salonga at Hollywood rising star Liza Soberano ang star-studded cast ng DreamWorks Animation na “Forgotten Island.” 

Kasama sa mga cast ng animated adventure-comedy na ito ay na Filipino-Canadian star Manny Jacinto, Dave Franco, Jenny Slate, at ang American singer-songwriter na si H.E.R. 

Ang istorya ng Forgotten Island ay iikot sa lifelong best friends na sina Jo (na gagampanan ni H.E.R), at Raisa (na gagampanan ni Liza) na na-stranded sa misteryosong isla ng Nakali, at ang tanging paraan lang para makauwi sila ay ang pagkalimot sa kanilang mga alaala sa isa’t isa. 

Ayon sa ulat ng The Hollywood Reporter, isa rin ang mitolohiyang Pinoy sa mga inspirasyon ng “The Forgotten Island.” 

Pelikula

Avengers: Endgame, balik-sine sa 2026!

Ang Forgotten Island ay kasalukuyang isinusulat at co-directed ni Filipino-American filmmaker Januel Mercado, na naka-set ipalabas sa mga sinehan sa Setyembre 25, 2026. 

Isa pa sa pelikulang co-directed ni Januel ay ang critically acclaimed Puss in Boots: The Last Wish na gawa rin ng DreamWorks. 

Sean Antonio/BALITA