December 13, 2025

Home BALITA

PH Navy, itinangging nasa ilalim ng kanilang proteksyon si Guteza

PH Navy, itinangging nasa ilalim ng kanilang proteksyon si Guteza
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Nilinaw ng Philippine Navy na wala umano sa ilalim ng kanilang proteksyon si retired Master Sergeant Orly Regala Guteza taliwas sa mga lumabas na balita noon na nasa ilalim ito ng pangangalaga ng Philippine Marine. 

Ayon sa inilabas na pahayag ng PH Navy nitong Huwebes, Oktubre 30, nilinaw ni Navy spokesperson Capt. Marissa Martinez na nagreiro na si Guteza sa PH Marine noon pang Hunyo 30, 2020.Anila, hindi na raw noon pa si Guteza ng administrative ng Philippine Navy. 

“The Philippine Navy emphasizes that Mr. Orly Regala Guteza has been retired from the Philippine Marine Corps since June 30, 2020. As a retired serviceman, he no longer falls under the administrative authority of the Philippine Navy,” ani Martinez. 

“Any engagements or interactions he may have at present are undertaken in his personal capacity,” dagdag pa niya. 

National

‘Hindi ako tutol!’ Sen. Imee aprub sa pagpapatayo ng classrooms, pero kinuwestiyon dagdag-pondo pa rito

Iniugnay rin ni Martinez ang umano’y sinabi ni dating Quezon City Rep. Mike Defensor na nasa ilalim ng proteksyon ng PH Marine ang hindi mahanap na si Guteza. 

“It must also be made clear that Mr. Orly Regala Guteza is not under the protection of the Philippine Marine Corps, which has no involvement in his personal affairs,” paglilinaw ni Martinez. 

“The Philippine Navy remains committed to its mandate as a professional and non-partisan organization, dedicated to upholding national sovereignty and serving the Filipino people with honor and integrity,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang si Guteza ang nagsiwalat ng “basura scheme” na paraan daw nila ng pagde-deliver ng pera nina Romualdez at Co pagdinig ng Blue Ribbon Committee noong Setyembre 25, 2025. 

MAKI-BALITA: 'Basura scheme?' Pagdeliver ng mga pera sa bahay nina Romualdez, Co, ikinanta ng dating sundalo

Ayon kay Guteza, kabilang daw siya sa mga tagabuhat ng maleta ng basura na inihahatid sa bahay nina Romualdez at Co. kung saan ang ibig sabihin daw ng deliver ng basura ay pawang mga pera.

Kumbinsido rin daw si Guteza na pera ang laman ng kanilang delivery dahil mismong sa harapan daw nila ito binibilang ng isa pa umanong tauhan ni Co.

Mas maraming pagkakataon na nagde-deliver kami ng basura sa bahay ni Speaker Romualdez at sa bahay ni Congressman Zaldy Co dahil iba-iba kaming mga naka-detailed na close in, back-up at advance party na nagkakaroon ng rotation,” pagsisiwalat ni Guteza noon.

Mc Vincent  Mirabuna/Balita

Inirerekomendang balita