Nananatiling lubog sa tubig-baha ang ilang sementeryo sa Masantol, Pampanga ilang araw bago ang pagdagsa ng mga pamilyang bibista para sa Undas.
Ayon sa ilang ulat, kabilang sa mga sementeryong ito ay ang Holy Spirit Memorial Park, Sta. Elena Memorial Park, at Masantol Public Cemetery.
Bilang tugon, nagbaba ng guideline ang Masantol Public Information Office (PIO) para sa mga alternatibong ruta at personal na kaligtasan ng mga bibisita sa mga yumaong kaanak sa sementeryo.
Kabilang dito ang pagpapakalat ng public assistance desks (PADS) para magbigay-gabay, update, at tulong sa mga bibisita.
Mga common candle area na inilaan ng pamahalaan ng Masantol para makapagsindi ng kandila ang mga pamilya nang hindi lumulusong sa baha, at one-way traffic scheme para maiwasan ang congestion sa mga sementeryo.
Nag-abiso rin si Masantol Mayor Dan Guinto ang publiko na iwasang lumusong sa baha para makaiwas sa pagkuha ng mga sakit mula rito.
Sean Antonio/BALITA