January 31, 2026

Home BALITA

Paninindigan ng CBCP: ‘Trick or Treat ay ‘work of the devil,’ huwag i-encourage!’

Paninindigan ng CBCP: ‘Trick or Treat ay ‘work of the devil,’ huwag i-encourage!’
Photo courtesy: MB


Tahasang sinabi ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines (CBCP) na ang tradisyon ng “Trick or Treat” ay “work of the devil,” kaya sana raw, huwag na raw itong hikayating gawin lalo na sa mga bata.

Sa payanam ng DZMM Teleradyo kay Fr. Jerome Secillano, CBCP Commission on Public Affairs noong Miyerkules, Oktubre 29, inamin niya ring hindi nila mahihikayat ang lahat na umayon sa kanilang paniniwala, ngunit sila umano’y sasaya kung ang kanilang mga pangaral ay masusunod.

“Well, basically, kapag halimbawa Katoliko ka, ay ‘yon naman ang gusto namin sanang gawin. ‘Yon nga lang, sinabi mo naman na hindi mo naman maipipilit, e nasa pananaw din naman namin ‘yan, but at least we’re trying to instill in the public’s mind, na ito dapat ‘yong practice na ginagawa natin, ito ‘yong commemoration natin,” panimula ni Fr. Secillano.

“So kami naman dito ay gumagawa naman ng trabaho namin, katulad ng interbyu ngayon, pinapaliwanag natin sa publiko, but at the end of the day, it’s all about people receiving our message or you know, putting into practice the message that we are telling you right now. But of course, we’re going to be very happy kung ‘yon nga, nasusunod pa rin ‘yong mga pangaral namin, yong mga sinasabi namin,” pagpapatuloy pa niya.

“Because this is not about you know, parang sarili lang e, kung hindi ‘yon nga, ating debosyon sa mga santo, ‘yong ating adherence sa pananampalataya.‘Yong mga sinasabi nating mga halloween trick or treat, parang occult ‘yan e, it’s all about the work of the devil, na parang ano ‘to, ine-encourage pa natin? Huwag naman sana. At the end of the day, what we should encourage is the good thing, and what we should encourage is about God, our Faith,” dagdag pa niya.

Nilinaw niya ring dapat pahalagahan ng publiko ang pagsubok ng simbahan na i-propagate ang umano’y magandang bagay pagdating sa paggunita ng Undas.

“Well, I think stretched naman ‘yon na magalit pa sila ‘no, na pinagdadamit nating santo, kasi if you’re trying to propagate what is good, e that is something ano, we should appreciate. E kasi kung halimbawa, na ‘yong pinopropagate natin dito ay ‘yong Halloween, tapos parang the works of the devil, e dapat na magalit tayo doon,” ani Fr. Secillano.

“O ‘di ba? E ‘yon kasi parang lumalabas sa katatawanan, o ‘di kaya parang festivities, e ‘yon nga ‘yong work of devil, e, parang ina-undermine niya ‘yong kasamaan para ipabatid sa atin na it’s something good, o you’re going to enjoy it, pero ‘yon ang work ng devil,” aniya pa.

“So sana, makita ng tao dito if you are having this parade of saints, e makita nila na ito na, kasi pinopropagate natin dito ‘yong virtues ng mga santo, katulad ng humility, obedience, simplicity, holiness of life, ‘yong mga ganoon,” pagtatapos pa niya.

Hinimok niya rin ang publiko na isagawa ang mga pangkaraniwang tradisyon tuwing Undas tulad ng pagdarasal para sa mga yumao, pagsisimba, pag-aalay ng intensyon sa mga simbahan, pagbisita sa mga puntod, at pagtitirik ng kandila.

Vincent Gutierrez/BALITA

Politics

Pagpunta ni Rep. Leviste sa abroad, nais daw gamitin ng admin para mapatahimik siya sa ‘corruption issue’