Nakapamahagi ang Office of the Vice President (OVP) ng tinawag nilang PagbaBAGo Bags sa aabot na mahigit 2400 bilang ng mga estudyante sa Camarines Norte at Pangasinan.
Ayon sa magkahiwalay na post na isinapubliko ng OVP sa kanilang Facebook page nitong Huwebes, Oktubre 30, makikita ang mga larawan ng pamamahagi nila ng bag sa mga mag-aaral sa Rabon Elementary School sa San Fabian, Pangasinan.
“Umabot sa 450 learners mula sa paaralan ang nakatanggap ng PagbaBAGo Bags na naglalaman ng iba't ibang school supplies, kapote, at dental kits,” mababasa sa kanilang caption.
Photo courtesy: OVP (FB)
Bukod dito, naiulat na rin ng nasabing page noong Miyerkules, Oktubre 28, ang pamamahagi nila ng PagbaBAGo Bags sa iba’t ibang elementary schools sa Camarines Norte.
“Sa pamamagitan ng OVP - Bicol Satellite Office, umabot sa mahigit 2,000 na mga mag-aaral mula sa 21 na mga paaralan ang nabigyan ng OVP PagbaBAGo Bags na naglalaman ng school supplies at dental kits,” anila.
Photo courtesy: OVP (FB)
Paglilinaw ng OVP, ang pamamahagi nila ng PagbabaBAGo Bags ay parte ng programa nilang Ang PagbaBAGo: A Million Learners Campaign upang makapagbigay umano ng school supplies at dental kits lalo na sa remote communities sa bansa.
Mc Vincent Mirabuna/Balita