January 09, 2026

Home SHOWBIZ Events

Mel Feliciano sa namayapang estranged wife na si Anna: 'Tama man o mali paghihiwalay natin, patawad!'

Mel Feliciano sa namayapang estranged wife na si Anna: 'Tama man o mali  paghihiwalay natin, patawad!'
Photo courtesy: Mel Feliciano/FB

Makabagbag-damdamin ang mensahe ng pamamaalam ni Mel Feliciano sa kaniyang sumakabilang-buhay na misis na si Anna Feliciano sa gulang na 65 noong Oktubre 24, 2025, habang nasa ospital sa San Mateo, Rizal.

Sina Mel at Anna ay parehong kilalang "legendary" dancer at choreographers.

Noong Miyerkules, Oktubre 29, nag-post ng tribute si Mel para kay Anna, na ipinagpapasalamat na rin ang paghihiwalay nila dahil mas marami raw siyang natutuhan, lalo na sa pagiging tatay sa anak nilang si Rupert Feliciano.

Humingi rin ng tawad kay Anna si Mel, tama man o mali ang dahilan ng hiwalayan nila.

Events

From on-screen to real life! Aktor na si Nico Antonio, abogado na!

"Paalam ANNA gusto ko malaman mo at sinabi ko sayo na salamat ng nagkahiwalay tayo marami akong natutunan bilang isang AMA salamat sa pag alaga kay rupert tama man o mali ang paghhiwalay natin PATAWAD ang lahat ng ito ay plano ni lord mula unang araw hanggang last day nandon ako d ako nagpost ng kahit ano gusto ko MOMENT MO YON at salamat sa mga dancers nag effort para sumayaw sa wake mo MULA SA PAMILYA KO AT SA PAMILYA MO LUBOS AKONG NAKKIRAMAY wel pray for ur soul," mababasa sa post ni Mel.

Sina Mel at Anna ay dating miyembro sa dance group na Solid Gold Dancers. Si Mel ang founder ng nabanggit na grupo, noong 1984.

Noong 90s, kilalang-kilala ang dalawa sa pagko-choreograph sa dancers ng noontime shows at iba pang programa ng ABS-CBN gaya ng "Magandang Tanghali Bayan (MTB)" at "Wowowee."

Hindi naman malinaw ang dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Mas nakilala si Anna sa pagiging isa sa mga pinagkakatiwalaan ni TV host Willie Revillame pagdating sa paghahanap ng female dancers. Sumama pa nga si Anna kay Willie sa TV5 noong 2010 at sa GMA-7 noong 2015, nang lisanin nito ang ABS-CBN.

Noong 2021, ibinida pa ni Anna ang natanggap niyang brand new car mula sa TV host.

KAUGNAY NA BALITA: Sana all! Anna Feliciano, nakatanggap ng kotse mula kay Kuya Wil

Ayon sa mensaheng ipinadala ni Willie sa PEP, labis ang kalungkutang naramdaman niya sa pagpanaw ni Anna, na nakita pa niya noong Oktubre 15, sa dry-run ng bagong programa sa TV5, ang "Wilyonaryo."