Kinumpirma ni Kapamilya actor Sam Milby na may Latent Autoimmune Diabetes in Adults (LADA) siya o Type 1.5 Diabetes nitong Huwebes, Oktubre 30, matapos ang kaniyang general check-up sa Singapore.
Sa panayam ni Sam sa ABS-CBN News noong anibersaryo ng kaniyang talent management na Cornerstone Entertainment, ibinahagi niyang nagsimula ang kaniyang research sa LADA dahil sa natanggap na fan comment.
“There was a fan who messaged, made a comment, ’maybe you’re not Type 2 [diabetes], maybe you’re Type 1.5.’ So, I did my research also and I asked my endo, and I had my check-up also in Singapore, the doctors said that they’ll do a blood test to make sure, and it was confirmed,’ saad ni Sam
“It’s called LADA, it’s an autoimmune disease, and it means that I am diagnosed as Type 2, but eventually magiging Type 1 ako,” dagdag pa niya.
Ibinahagi rin ni Sam na hindi mabuti ang kaniyang diagnosis dahil nangangahulugan daw ito ng hindi paglalabas ng insulin sa kaniyang katawan.
“It’s bad. Type 1 is the worst, Tito Gary [Valenciano] has Type 1. It means that your pancreas does not produce NY insulin at all. So, I may have to start ‘yong insulin shots, eventually. Ganoon talaga,” aniya.
“It’s part of my life. I have discipline naman sa pagkain but it was a bit surprising kasi para sa akin, healthy naman akong tao. Nakaka-sad, but it’s a part of my life,” dagdag pa niya.
Ibinahagi ni Sam na parehas ng kaniyang mga magulang ay mayroong diabetes, nang tanungin kung genetics ba ang isa sa naging risk factor ng kaniyang diagnosis.
Binanggit din daw ng kaniyang doktor na risk factor din ang stress sa pagkakaroon ng sakit.
“Lola’t lolo, walang diabetes. I don’t understand why, the doctor said that stress is actually a big factor on a lot of illnesses. I don’t think I was that stressed for a while, I don’t know,” saad niya.
Sa kabila nito, sinusubukan pa rin daw ni Sam na mas maging physically active at magkaroon ng mas istriktong diet.
“I’m trying to be more physically active. I’m trying to play pickleball, ‘yong nauuso ngayon, that’s my cardio. Sometimes, I run. Eating habits, I’m pretty strict with my diet. The one thing that helps also is shiratake rice and shiratake pasta, okay siya masarap siya. That’s a big help.” pagtitiyak ni Sam sa pananatiling malusog sa kabila ng diagnosis.
Ayon sa Diabetes UK, ang LADA ay isang uri ng diabetes na parehas may type 1 and 2 features, kaya kilala rin ito bilang “type 1.5 diabetes” o “type 1 ½ diabetes.”
Ang mga kalimitan din daw na sintomas ng LADA ay ang mga sumususnod:
- Palagiang pag-ihi
- Madaling pagkauhaw
- Mabilis na pagkapagod o fatigue
- Pagpayat o pagbaba ng timbang
Kadalasan din daw na nada-diagnose ng sakit na ito ay ang mga nasa edad 30 hanggang 50.
Ayon naman sa Medical News Today, ilan sa mga risk factor ng LADA ay ang mga sumusunod:
- Obesity
- Mababang timbang
- Sedentary lifestyle o pagkakaroon ng kaunting physical activity
Sean Antonio/BALITA