Mariing pinabulaanan ng Bureau of Customs (BOC) ang umano’y kumakalat na post sa social media na namataan daw ang luxury car na Rolls-Royce ng mga Discaya sa Makati.
Ayon sa naging press briefing ni Atty. Chris Noel Bendijo ng BOC nitong Huwebes, Oktubre 30, isiningit sa kaniyang pahayag ang pagkondena sa umano’y “fake news” tungkol sa paggamit nila ng nasabing sasakyan ng mga Discaya.
“We strongly condemn ‘yong fake news na nagagamit ‘yong Rolls-Royce,” paggigiit niya.
Bukod dito, ayon na rin sa nauna nang pahayag ng BOC noong Oktubre 27, nilinaw na rin nilang makikita na iba ang huling mga numero ng kumakalat na post sa social media kaugnay sa namataang Rolls-Royce. “It must be emphasized that the plate number of the Rolls-Royce shown in the viral post, which ends in ‘949,’ is different from that of the vehicle seized in connection with the Discaya case, which ends in ‘889.’ This clearly disproves the claim circulating online,” saad noon ng BOC.
Ani naman ni Bendijo, maaaring puntahan ng sinomang nagnanais ang BOC at makikita daw nilang naroon pa rin ang Rolls-Royce ng mga Discaya.
“Clearly, you can see the difference to the plate number. If you want to go and visit the BOC right now, the Rolls-Royce is there,” paglilinaw niya.
“Talagang fake news po ‘yong nag-viral na post,” pagtatapos pa niya.
Kaugnay nito, nauna na rin isapubliko ni Bendijo na aabot daw sa ₱200 milyon ang halaga ng mga nasabing ibebentang sasakyan na nakumpiska sa mga Discaya sa magaganap na public auction ng BOC.
MAKI-BALITA: 13 luxury cars ng Discaya, aabot sa ₱200M kapag nabenta sa public action—BOC
“The total amount for the thirteen (13) [luxury cars] would be 200 million conservatively,” saad niya.
“I don’t recall all seven but definitely the Rolls-Royce is there, the Bentley Bentayga is there also, kung hindi ako nagkakamali [ay] may Tundra doon, but the most expensive one is the Rolls Royce,” pagbabahagi pa ni Bendijo nito ring Huwebes.
MAKI-BALITA: Customs, nakumpiska na 12 luxury cars ng Pamilya Discaya
MAKI-BALITA: ‘Bye-bye na?' 13 luxury cars ng mga Discaya, ipapa-auction na ng BOC
Mc Vincent Mirabuna/Balita