December 16, 2025

Home BALITA National

BI, inaasahang mapupuno mga airport sa long weekend at Undas; mga empleyado, naka-round-the-clock shift

BI, inaasahang mapupuno mga airport sa long weekend at Undas; mga empleyado, naka-round-the-clock shift
Photo courtesy: MB

Inaasahan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagdagsa ng mga pasahero sa lahat ng international airports sa darating na long weekend at Undas mula Oktubre 31 hanggang sa unang linggo ng Nobyembre. 

Bilang paghahanda, tiniyak ng ahensya na may tatao sa lahat ng immigration counters para sa maayos na proseso sa mga paparating at papaalis na mga pasahero. 

“Our officers will be working round-the-clock to accommodate the influx of passengers during the Undas break,” pahayag ni BI Commissioner Joel Anthony Viado. 

Inabiso rin niya sa mga biyahero na dapat nasa airport na ang mga ito tatlong oras bago ang kanilang flight para maiwasan ang delay. 

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Binanggit din ni Viado na habang bahagyang makaapekto ang mga isinasagawang construction at facility upgrades sa mga airport, tuloy-tuloy pa rin ang serbisyo ng BI sa mga pasahero. 

“The Bureau is coordinating closely with airport authorities to ensure that despite construction and facility upgrades, services remain uninterrupted,” aniya. 

“We ask for the public’s patience and understanding as these improvements are meant to enhance the overall airport experience.” dagdag pa ni Viado. 

Para sa mga update, hinihikayat ng BI ang mga biyahero na i-check ang opisyal na Facebook page ng ahensya para sa mga update sa dagsa ng mga pasahero bago sila pumunta sa airport. 

Sean Antonio/BALITA