December 16, 2025

Home FEATURES BALITAkutan

'Ang kapal ng mukha mo!' Lalaki, isinuko sarili sa Diyos matapos kahindik-hindik na narasanang bangungot

'Ang kapal ng mukha mo!' Lalaki, isinuko sarili sa Diyos matapos kahindik-hindik na narasanang bangungot
Photo courtesy: Freepik

Sino bang tao ang hindi nakaranas ng bangungot?

Kadalasang inilalapit ng mga tao ang sarili sa Diyos sa mga pinakapambihirang mga pagkakataong nararanasan nila.

Partikular sa pinakamabigat, masakit, at kalunos-lunos na sitwasyon sa iyong buhay bilang nilalang. 

Ngunit hihintayin mo pa bang siya mismo ang sumubok sa iyo para lang tuluyan kang maniwala sa kaniya? 

BALITAkutan

ALAMIN: Ang paglaya ni Clarita Villanueva mula sa pagsapi ng mga demonyo

Ganito ang kagila-gilalas na kuwentong pumukaw sa atensyon ng netizens mula sa user na si LivelyRhino sa Facebook page ng Let’s Takutan, Pare noong Oktubre 24, 2025.

Ayon sa uploader, nilinaw niyang hindi na bagong makaranas siya ng mga hindi normal na pangyayari, halimbawa na makakita umano ng doppelganger ng kaniyang hipag, pagkatok sa CR habang naliligo, at mga yabag ng mga tumatakbo sa hallway papunta sa kanilang kuwarto. 

“Marami na akong naranasang kababalaghan katulad ng doppelganger na sister ng asawa ko, mayroong kumakatok sa CR habang naliligo ako at mayroon ding tumatakbo sa hallway ng daanan papuntang kwarto namin. Pero lahat ‘yan, hindi ako natakot,” pagsisimula niya. 

Ngunit sa kabila ng mga ito, may isa raw siyang naranasan na tanging nakapagpatikla ng kaniyang mga balahibo sa katawan. 

“Isa lang ang tanging nakapagpatayo ng balahibo ko at I thank God to make this testimony. September 23, May nangyari sa akin and it made me surrender my life to God. I asked for forgiveness, mercy and I asked Jesus to save me,” saad pa niya. 

Nakaranas daw siya noon ng “sleep paralysis” na noon lang niya labis kinatakutan. 

“While I was sleeping in our room, I had sleep paralysis, though nakaranas ako nito dati, ‘yong ‘di magalaw ‘yong katawan. ‘Di naman ako natatakot pero iba ‘yong time na ‘yon,” aniya. 

“Nakikita ko ‘yong kuwarto at ‘yong baby naming katabi kong natutulog, kaya nagdasal ako, tumawag ako sa Diyos na gisingin ako and while I was praying, may nagsalita sa tenga ko,” pagpapatuloy pa niya. 

Sa kabila nito, bigla siyang may narinig na malalim na boses na bumulong sa kaniya. 

“‘Ang kapal naman ng mukha mo’ ‘yong boses is sobrang laki, growly na parang galit na aso at sobrang dark,” pagkukuwento niya. 

“Then may shadow figure, mula sa baby ko, gumapang papunta sa akin at kinakalmot ako sa mukha. Doon na ako nagdasal nang todo at ni-rebuke ‘yong entity na ‘yon pero bago ko pa masabi na ‘In Jesus name,’ nagising ako,” pahabol pa niya. 

Ayon sa uploader, naniniwala raw siyang ang Diyos ang gumising sa kaniya at iyon umano ang dahilan kung bakit isinuko niya ang sarili sa Kaniya. 

“Ginising ako ni Lord at pinatunayan sa akin na there is power in his name. Name above all names.”

“Until now, naaalala ko pa rin ‘yon nang malinaw.’Di mawawala sa isip ko ‘yong experience na ‘yon. I believed that entity is with me ever since pa, at simula nag-surrender na ako kay Lord, nagagalit siya, I am a sinner,” pagbabahagi pa niya. 

Anang uploader, alam daw niyang paraan iyon ng Diyos upang hayaan niyang makapasok ang lumikha sa buhay niya.  

“Marami akong kasalanan at pagkukulang. Alam ko na ‘yon ‘yong way niya kaya siya nakapasok sa buhay at bahay ko. So, I thank God for saving me and now nakikilala na ng pamilya ko si Jesus,” ‘ika niya. 

“What I want to say is, if anyone here experiences spiritual warfare, just pray and surrender it to God,” pagtatapos pa niya. 

Dahil dito, hindi napigilang magbahagi ng netizens ng kanilang katulad na karanasan at saloobin sa naturang post ng uploader. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao:

“Nangyari ‘to sa akin High school ako. Eto ang powerful phrase na palagi kong binabanggit. ‘I cast and bind you, in the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit’ Tapos nawawala sila agad.”

“Kapag ganyan na may entity talaga sa paligid natin or sa bahay natin at tipong pati yung faith natin ay gustong pakialaman, madalas nauuwi talaga sa SP or sleep paralysis. Dahil during SP, dyan tayo mahina dahil yung pisikal na katawan natin ay at rest, o nagpapahinga.”

“It’s not really an entity per se but your conscience. Dreams reflect our subconscious. I hope you find healing and mercy.” 

“I think it's not consciousness either, I have experienced a lot of sleep paralysis since we moved to our new house, most of the time yun bata nakikita ko at nakikipag laro sa akin, na experince ko rin yun nga neighbor ko di ko ka close na namatay na nakikipag usap sa akin sa dream ko pero hindi ko sila gaano ka close. Then sinasabi ko sa family nila yun napag usapan namin sa dream ko kaya nagugulat sila nalalaman ko yun mga yun…” 

“What I have learned over the years, the stronger your faith with God, the stronger and mga attacks. Do not be shaken.”

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 200 reactions ang nabanggit na post.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Paano mapapalayas ang demonyo sa bahay ninyo?

MAKI-BALITA: ALAMIN: 'Baka ikaw na ang bisitahin nila:' Mga paniniwalang Pinoy tuwing Undas

Disclaimer: Bagama’t ang kuwentong ito ay inaako ng may-akda na mula sa tunay na pangyayari, hindi maaaring kumpirmahin o itanggi ng Balita ang katotohanan sa mga detalye at impormasyong nakasaad dito.

Mc Vincent Mirabuna/Balita