Patay ang isang rider nang sumalpok ang kanoyang minamanehong motorsiklo sa poste ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Malate, Manila nitong Miyerkules ng gabi, Oktubre 29.
Kinilala ang biktima na si alyas Carl, 21, estudyante at residente ng Taguig City.
Sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), lumilitaw na dakong alas-11:32 ng gabi nang maganap ang insidente sa southbound lane ng Taft Avenue sa Malate.
Lulan ang biktima ng isang Honda Click motorcycle at binabaybay ang naturang lugar, nang paglampas sa kanto ng Vito Cruz St. ay sumalpok umano ito sa isang konkretong poste ng LRT-1.
Sa tindi ng impact ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima ng ilang metro mula sa sasakyan.
Nagtamo ang biktima ng matinding pinsala sa ulo, na nagresulta sa kaniyang agarang kamatayan.