December 19, 2025

Home SPORTS

Take 2! Bakbakang Pacquiao-Mayweather, muling raratsada sa 2026?

Take 2! Bakbakang Pacquiao-Mayweather, muling raratsada sa 2026?
Photo courtesy: AP News

Nagpahiwatig si boxing legend Manny Pacquiao na posibleng magkaroon ng rematch sa pagitan niya at ni Floyd Mayweather Jr. sa susunod na taon, halos isang dekada matapos ang kanilang kontrobersyal na laban noong 2015.

Si Pacquiao, na naging kampeon sa walong dibisyon mula flyweight hanggang super welterweight, ay opisyal na itinanghal bilang kasapi ng International Boxing Hall of Fame noong Hunyo. Makalipas ang isang buwan, muli siyang lumaban matapos ang kanyang pagreretiro at nagtapos sa majority draw laban kay Mario Barrios, na nanatiling hawak ang WBC welterweight title.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Bigong mapatumba!’ Pacquiao, ‘di naagaw ‘WBC welterweight title’ kay Barrios

Nagretiro si Pacquiao noong 2021 na may kartadang 62 panalo, 8 talo, at 2 draw, kabilang ang 39 knockouts. Ayon sa kanya, palagi niyang hinaharap ang pinakamahihirap na kalaban upang patuloy na subukin ang kanyang kakayahan.

'Matagal ko nang pinapangarap ‘yon!' Alex Eala, naging emosyonal nang tugtugin Lupang Hinirang sa 2025 SEA Games

Bukod sa kanyang karera sa boksing, nagsilbi rin siyang senador ng Pilipinas mula 2016 hanggang 2022 at tumakbo bilang pangulo noong 2022, ngunit hindi nagtagumpay.

Natalo si Pacquiao kay Mayweather noong 2015 sa tinaguriang “Fight of the Century,” ngunit kalaunan ay inamin niyang may iniindang sugat sa balikat noong laban.

“I'd love to have another fight, a rematch with Floyd Mayweather," ani Pacman sa isang press conference nitong Miyerkules, Oktubre 29, 2025.

Dagdag pa niya, "So I hope that in the negotiations, we can understand each other and we can negotiate well.”

Samantala, kung matutuloy ang nasabing bakbakan sa 2026, tinatayang nasa 48 taong gulang na si Mayweather noon.