December 15, 2025

Home BALITA

‘Si PBBM tumanggap, pero si FPRRD nasa screen?’ Turnover ng ASEAN Summit chairmanship, dinumog ng netizens

‘Si PBBM tumanggap, pero si FPRRD nasa screen?’ Turnover ng ASEAN Summit chairmanship, dinumog ng netizens
Photo courtesy: Contributed photo

Nagkalat sa social media ang screenshot ng isang clip mula sa turnover ceremony ng Chairmanship Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Pilipinas noong Martes, Oktubre 28, 2028.

Makikita sa nagkalat na video at screenshot ng nasabing seremonya ang larawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte habang tinatanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pag-turnover sa kaniya ng Malaysia ang chairmanship symbol ng ASEAN.

Bunsod nito, tila hindi tuloy naiwasan ng netizens na pagpiyestahan ang nasabing clip.

“Yung nag-attend ng Asean Summit ang PBBM tapos ang nasa widescreen ay si FPRRD.. Dba nakakahiya ang ganun?”

Abangan na lang kung may makukulong pa bago matapos ang taon—Palasyo

“Tatay digs. Is da best among rest.”

“Props lang si PBBM.”

“Katawa-tawa si PBBM sa ibang bansa.”

“Nagmukha lang representative si PBBM.”

“Kahiya pinakulong nya ang nasa pic tas sya umakyat sa stage.”

“Ibig sabihin nyan hindi kinilala si bbm ng mga world leaders na siya daw presidente ng Pilipinas.”

“Na karma na si bangag.”

“Sampal sa pilipinas ng pangulo hindi siya ang nakalagay sa screen.”

Samantala, batay sa pananaliksik ng Balita, ang naturang larawan ni FPRRD na nakita sa screen habang tinatanggap ni PBBM ang turnover ng ASEAN chairmanship symbol ay parte lamang ng iba pang mga larawan ng ilang ASEAN turnover ceremonies na naganap sa mga nakalipas na taon. 

Maliban kay dating Pangulong Duterte, makikita rin sa screen ang larawan kagaya ng turnover ng Singapore sa Thailand (Thai Prime Minister Prayut Chan-o-cha at Singapore Thai Prime Minister Prayut Chan-o-cha) at pag-turnover ng Malaysia sa Laos.