Umani ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizen ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Francis “Chiz” Escudero matapos ang pagsasapubliko niya nito na may halagang ₱18.84 milyon.
Kabilang sa mga puna ng netizens ang umano’y hindi tugma sa deklarasyon ng yaman ng senador at sa mga mamahaling gamit na nakikita sa social-media, partikular ang mga regalo umano sa asawa niyang si Heart Evangelista, kabilang sa masasabing ilang ari-arian ay ang mga designer bags, alahas, mga koleksyon ng sining at ang sinasabing ₱56 milyong Paraiba ring.
Ilan sa mga komento ng netizens ay nagsabing tila “malayo” umano ang halaga ng mga ari-arian na idineklara sa SALN kumpara sa luxury lifestyle na nakikita.
“Kung ‘yan lang SALN niya, di niyana kaya agad sustentuhan si Heart.”
“Sinong niloko mo keso?”
“57millon na singsing ,pero saln ay nsa magkano nga ba ang sabi nya kanyang isinumite ha ? 18 millon lng saan nkuha un?”
“Bilyon regalo pero milyon lang SALN? Patawa eh.”
“Walang maniniwala sayo keso!”
“Poorest senator pero highly maintenance ang asawa?”
“Sinong niloko mo?”
Sa ngayon, hindi pa nagbibigay ng pahayag si Senador Escudero hinggil sa mga puna ng publiko. Bukas ang Balitas sa kaniyang panig.
Samantala, maging si Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga ay naglabas ng kaniyang komento hinggil sa SALN ni Escudero.
“No matter what your Political Color is, we all know that Senator Escudero is not the poorest Senator, declarations like his SALN destroys the people’s trust in the government,” anang mambabatas.