December 15, 2025

Home BALITA

'Not just 1 but 2!' DSWD saludo sa dating 4Ps monitored child, pasado sa 2 board exams

'Not just 1 but 2!' DSWD saludo sa dating 4Ps monitored child, pasado sa 2 board exams
Photo courtesy: DSWD/FB


Maligayang binati ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang isang dating monitored child ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) matapos pumasa sa dalawang licensure examinations.

Ibinahagi ng DSWD sa kanilang Facebook post nitong Miyerkules, Oktubre 29, ang nasabing pagbati ng ahensya.

“Not Just One, But Two Licensure Exams Passed! Isang pagpupugay kay Engr. Kesia Almodal, dating Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) monitored child mula sa Lubang, Occidental Mindoro, na matagumpay na nakapasa sa hindi lang isa, kundi sa dalawang licensure examinations,” anang DSWD.

“Siya ay pumasa sa naganap na October 2025 Electronics Engineering at Electronics Technician board exams,” dagdag pa nila.

Ayon pa sa DSWD, ang tagumpay na nakamit ni Engr. Almodal ay nagsisilbing inspirasyon para sa ibang benepisyaryo ng 4Ps.

“Ang tagumpay na ito ay hindi lang dahil sa tulong ng 4Ps sa kanyang pamilya at pag-aaral, kundi dahil sa determinasyon at pagsisikap ni Engr. Kesia na ngayon ay nagsisilbing inspirasyon sa iba pang benepisyaryo. Congratulations at mabuhay ka, Engr. Kesia!” saad ng DSWD.

Matatandaang kamakailan lamang, 16 na dating 4Ps beneficiaries ang naging topnotchers sa Social Workers Licensure Examination.

“Isang mainit na pagbati mula sa Pambansang Pamunuan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa 16 na dating benepisyaro ng programa na pasok sa Top 10 ng 2025 September Social Workers Licensure Examination,” ani 4Ps sa kanilang Facebook post.

KAUGNAY NA BALITA: 16 na dating 4Ps beneficiaries, topnotchers sa Social Workers Licensure Examination-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA