December 13, 2025

Home BALITA National

'Maiiwasto na pagkakamali ng nakaraang admin!' Sen. Risa, overjoyed na naisabatas na ang na Anti-POGO Act

'Maiiwasto na pagkakamali ng nakaraang admin!' Sen. Risa, overjoyed na naisabatas na ang na Anti-POGO Act
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Masayang ibinahagi sa publiko si Sen. Risa Hontiveros ang pagkakapasa ng Republic Act No. 12312 o “Anti-POGO Act of 2025” na siyang magbabawal ng mga operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa. 

Ayon sa naging pahayag ni Hontiveros sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Oktubre 29, maiwawasto na raw ang pagkakamali ng administrasyon ng dating administrasyon sa pagpapapasok ng POGO industry sa bansa. 

“Sa wakas, maiwawasto na ang pagkakamali ng nakaraang administrasyon sa pagpapasok ng industriya ng POGO sa bansa,” saad ng senador. 

Photo courtesy: Senador Risa Hontiveros (FB)

Photo courtesy: Senador Risa Hontiveros (FB)

National

Empleyadong sapilitang pinapasayaw sa Christmas party, puwedeng magreklamo—DOLE

“As chairperson of the Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, I have long called for the abolition of POGOs in the country, having seen and exposed how this industry abused and exploited not just people, but also institutions,” paglilinaw pa niya. 

Pinasalamatan din ni Hontiveros ang mga nakatulong nila upang imbestigahan noon ang POGO at si Sen. Win Gatchallian na isa mga pangunahing author ng nasabing batas. 

“Taos-pusong pasasalamat sa mga ahensya ng pamahalaan at sa mga whistleblower na naging katuwang natin sa masusing pag-imbestiga sa mga POGO,” ‘ika ni Hontiveros. 

“Lubos din akong nagpapasalamat sa aking kapwa POGO-buster, si Senator Win Gatchalian, sa pangunguna sa pagsulong ng panukalang ito,” dagdag pa niya. 

Nagawa ring balikan ni Hontiveros ang kalunos-lunos na iligal na gawaing naganap sa panahon na buhay pa ang industriya ng POGO sa bansa. 

“Mula sa mga menor de edad na pinipilit pumasok sa prostitusyon para pagserbisyuhan ang mga Chinese POGO workers, mga dayuhang babae tulad ni alias Ivy na tinraffick dito sa Pilipinas, hanggang sa mahiwagang kwento ng mga scam hubs ni Mayor Alice Guo, clearly, POGOs have harmed our country in more ways than we can imagine,” aniya. 

“With this law, the government has a clear duty: to ensure that no POGO will ever turn the Philippines into their criminal playground again,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: Sen. Risa, umaasang maisasabatas na Anti-POGO Act ngayong 2025

Mc Vincent Mirabuna/Balita