December 13, 2025

Home BALITA

Lalaki, timbog matapos masamsaman ng higit ₱350k halaga ng shabu sa buy-bust operation

Lalaki, timbog matapos masamsaman ng higit ₱350k halaga ng shabu sa buy-bust operation
Photo courtesy: Rizal Police Provincial Office/FB


Arestado ang isang high-value individual (HVI) matapos masabatan ng halos 53 gramo ng hinihinalang shabu, sa isinagawang buy-bust operation ng tauhan ng Angono Municipal Police Station (Angono MPS) noong Martes, Oktubre 28.

Ang suspek ay itinuturing na HVI, dahil sa pagiging sangkot umano nito sa bentahan ng ilegal na droga.

Katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 4A, nasabat ng Municipal Drug Enforcement Team ng Angono MPS mula sa suspek ang 52.59 gramo ng shabu, na tinatayang aabot ang halagang ₱357,612.00.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang walong pirasong heat-sealed transparent sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, ₱1,000.00 bill na buy-bust money; 10 pirasong ₱100.00 bill na drug proceeds, at 1 pirasong self-sealing plastic bag na kulay ginto.

Matapos masakote, dinala ang suspek, kasama ang mga nasamsam na ebidensya, sa kustodiya ng Angono MPS, para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.

Posibleng masampahan ng kaso ang suspek dahil sa paglabag nito sa Seksyon 5 at 11 ng Article 2 ng Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Vincent Gutierrez/BALITA