Naglabas ng opisyal na pahayag ang Regal Entertainment hinggil sa mga kumakalat na post na kesyo cause of delay raw sa shooting ng pelikulang "Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins" ang Kapamilya star at vlogger na si Ivana Alawi.
Sa social media platform na "Reddit" na 100% tambayan ng mga online marites, dito ay pinag-uusapan ang intrigang na-delay raw ang shooting ng nabanggit na pelikulang isa sa mga opisyal na kalahok sa 2025 Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil sa sexy actress.
Bagay na pinabulaanan naman mismo ng Regal Entertainment, Inc. na production company ng nabanggit na iconic horror movie.
Sinabi nilang nagpakita ng professionalism at dedication ang aktres sa kabuuan ng shooting ng pelikula.
"Regal Entertainment, Inc. clarifies that recent online posts about the production of Shake, Rattle & Roll: Evil Origins and false claims involving Ms. Ivana Alawi are entirely untrue," anila.
"The film’s production proceeded smoothly and wrapped on schedule, with Ms. Alawi demonstrating utmost professionalism and dedication throughout."
"Shake, Rattle & Roll: Evil Origins is a 100% Regal Entertainment, Inc. project — developed, produced, and financed solely by the company."
"We urge the public to avoid engaging with unverified information and to rely only on Regal Entertainment’s official pages for accurate updates," anila pa.
Samantala, verified naman ito ng CEO ng Regal na si Roselle Monteverde at sinabing walang katotohanan sa mga kumakalat online, kagaya rin ng nabanggit sa kanilang official statement.
Hindi pa nagsasalita ang kampo naman ni Ivana tungkol sa isyu.