December 13, 2025

Home SHOWBIZ

‘Ikaw ang may galit sa akin! Ogie Diaz, bumwelta kay Sarah Lahbati

‘Ikaw ang may galit sa akin! Ogie Diaz,  bumwelta kay Sarah Lahbati
Photo Courtesy: Ogie Diaz, Sarah Lahbati (FB)

Sumagot si showbiz insider Ogie Diaz sa aktres na si Sarah Lahbati matapos nitong madawit sa umuugong na hiwalayan ng celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Martes, Oktubre 28, nilinaw ni Ogie na wala siyang galt kay Sarah.

“Wala akong galit sa ‘yo, Sarah. Kung gusto mo, kung willing ka rin, open naman ako for one-one-one interview with you,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Nagkataon lang na feeling ko ikaw ang galit sa akin. Kasi ako ‘yong binlock mo sa [Instagram]. Ako, wala akong galit, promise.”

Tsika at Intriga

'Buong taon 'di n'yo naman ako pinapansin!' Nadine, umapela sa mga nanghihingi tuwing December lang

Ayon sa showbiz insider, willing daw siyang bigyan ng pagkakataon ang aktres. Kaya sana bigyan din siya nito ng pagkakataong makapanayam.

Matatandaang batay sa ibinahaging screenshot ni Ellen kung saan mababasa ang conversation nila ni Sarah, makikitang tila nawindang ang huli dahil siya ang itinuturong dahilan ni Ogie kung bakit nagkahiwalay ang mag-asawa.

Maki-Balita: Ellen Adarna, Sarah Lahbati pinulutan si Ogie Diaz: ‘Grabe ang remix ng stories!’

Pero nilinaw na rin naman ng showbiz insider na wala raw siyang kinukumpirmang kahit ano sa inispluk niyang tsika mula sa kaniyang source.

“Wala naman tayong [kinumpirma]. Tinanong nga natin doon sa vlog kung gaano ito katotoo,” ani Ogie.