December 13, 2025

Home BALITA National

'Hearsay lang!' Sen. Jinggoy, itinangging nakatanggap ng lagay sa flood-control projects

'Hearsay lang!' Sen. Jinggoy, itinangging nakatanggap ng lagay sa flood-control projects
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Mariing itinanggi ni Sen. Jinggoy Estrada ang pagkakadawit sa kaniya sa flood-control anomalies ayon sa inilabas na mungkahi ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Office of the Ombudsman (OMB). 

Ayon sa isinapublikong pahayag ni Estrada sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Oktubre 29, iginiit niyang wala raw siyang natanggap na pondong may kaugnayan sa mga flood-control projects. 

“Wala akong tinanggap na anumang pondong nakalaan para sa mga flood control projects, at kaya kong patunayan ito sa hukuman,” pagsisimula ni Estrada. 

“Ang mga paratang laban sa akin ay pawang hearsay o batay lamang sa sabi-sabi,” pahabol pa niya. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Photo courtesy: Jinggoy Estrada (FB)

Photo courtesy: Jinggoy Estrada (FB)

Pagpapatuloy ni Estrada, handa raw niyang ipagtanggol at patunayang nagsasabi siya ng totoo sa anomang prosesong kinakailangan ng batas. 

“Handa akong ipagtanggol ang aking sarili at dumaan sa anumang proseso ng batas upang patunayan na nagsasabi ako ng totoo at nanatiling tapat sa aking tungkulin bilang lingkod-bayan,” aniya. 

“Lilinisin ko ang aking pangalan, at buo ang aking tiwala na sa tamang panahon, mananaig ang katotohanan,” pagdidiin pa ni Estrada. 

Ani Estrada, hindi raw pinahina ng rekomendasyon ng ICI sa Ombudsman ang kaniyang layuning patunayang wala siyang ginawang mali. 

“The recommendation of the Independent Commission for Infrastructure (ICI) does not weaken my resolve to prove that I have done nothing wrong. I welcome every opportunity to clear my name before the proper forum,” anang senador. 

“Justice must be served not through speculation, but through truth and due process,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang nauna nang irekomenda ng ICI na sampahan ng kasong plunder, bribery, at corruption complaints ng Ombudsman sina Estrada, Sen. Joel Villanueva, dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at iba pa nito ring Miyerkules.

MAKI-BALITA: ICI, iminungkahing sampahan ng kaso sina Villanueva, Co, Estrada, atbp., sa Ombudsman

Bukod dito, kasama rin sa mga pangalang nabanggit ng ICI sina Former Undersecretary Roberto Bernardo, Former Caloocan 2nd district Rep. Mitch Cajayon-Uy at Commission on Audit (COA) Commissioner Mario Lipana.

“These persons has possibly committed direct or indirect bribery and corruption of public officials under Articles 210, 211, and 212 of the Revised Penal Code, corruption of officers under section 3B and 3E of Republic Act 3019, plunder as defined and penalized under section 2 of Republic Act 7080,” ayon kay ICI Chairperson retired Supreme Court (SC) associate justice Andres Reyes Jr.

Mc Vincent Mirabuna/Balita