December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'False, unfair, destructive!' Marjorie tinabla, binarda sariling ina sa interview tungkol sa kaniya

'False, unfair, destructive!' Marjorie tinabla, binarda sariling ina sa interview tungkol sa kaniya
Photo courtesy: Screenshot from TV Patrol, Ogie Diaz Inspires (YT)

Hindi napigilan ni Marjorie Barretto ang kanyang emosyon matapos mapanood ang panayam ng kanyang inang si Inday Barretto sa talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, kung saan umano’y may mga mabibigat at hindi totoong pahayag tungkol sa kanya.

Ayon kay Marjorie, hindi niya akalain na ipalalabas ang nasabing interview sa mismong first-month death anniversary ng kanilang kapatid na si Mito Barretto.

"I tried to let this pass for days. But i am not taking this well. Im tired. Im hurt. The staments made about me were unprovoked and undeserved," aniya.

Dagdag pa niya, labis siyang nasaktan dahil sa impresyong lumabas sa naturang panayam na tila hindi raw sila magkasundo ng ina, gayong maayos naman umano ang kanilang naging pakikitungo sa isa’t isa noong burol ni Mito.

Tsika at Intriga

'Naiinis din ako, ano nangyayari?' Regine frustrated na, bet na sulatan si PBBM

Hindi rin pinalampas ni Marjorie ang isyung tila siya raw ang "ginamit" ng ina para sa "damage control" para mapalabas na "good and clean" ang youngest child niya, na bagama't walang tinukoy, ay si Optimum Star Claudine Barretto.

Sa kabuuan ng pahayag ni Marjorie, kinuwestyon niya ang intensyon ng ina kung bakit tila "napasama" na naman daw ang imahe niya sa publiko dahil sa mga binitiwan nitong salita laban sa kaniya. 

Matatandaang sa part 2 ng panayam ni Ogie kay Inday pagkatapos sa bahagi ng tungkol sa naging relasyon ni Claudine sa estranged husband na si Raymart Santiago, nagbigay naman ng mga detalye si Inday tungkol sa matagal nang hidwaan ng kaniyang mga anak.

Inamin ng matriyarka ng mga Barretto na malalim na ang alitan sa pagitan ng mga anak niyang sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

"'Di ko alam. They used to be very close. Very close. Magkasama sila," na pumapatungkol kina Gretchen at Marjorie.

"Somewhere along the way, parang nag-break lang, naghulog lang, nawala na to the point tapos na. Pero tanungin mo sino pinag-awayan, wala. They just don't like each other, okay lang. But they hate each other, that's not okay."

Dumating pa nga raw sa puntong parang ayaw na nilang magkaroon ng koneksyon sa isa't isa.

"Ang feeling ko lang... one time parang I joked 'Anong pinag-aaway ng mga anak ko?' Feeling ko sabi ko ako," aniya.

Dito ay inilarawan din ni Inday si Marjorie bilang "strong-willed."

"Marjorie is very strong-willed. Sometimes, lampas sa normal because even I as a mother get it," aniya. 

Sinabi rin ni Inday na hindi sila gaanong magkasundo ni Marjorie.

"I’m asked and I’m honest and I’ll tell the truth, we don’t get along fine. I love her, she knows that. She better know it otherwise, what a loss."

“Ako mahal ko sila pero I don’t take it against her kasi iba eh. Pero, tingin ko sa kaniya parang pareho kaming made from the same pattern. Strong din siya but parang I feel rejection from her,” anang Inday.

Nabanggit din ni Inday na alam niyang mahal siya ng anak subalit hindi raw enough para sa kaniya.

"I just feel like she loves me but parang hindi ako enough sa kaniya, parang may hinahanap siya sa akin na hindi ko alam kung ano. Kasi kung alam ko, ibibigay ko."

Sa kabilang banda, sinabi ni Marjorie na mahal niya ang kanilang ina.

"Mom, I want you to know that I love you. And I have learned to accept whatever kind of love you can give me. It's okay. In fact, I have surrendered to it. Instead of looking for affection and protection from you, I will pour all of my energy into being the best mom to my children," aniya pa. 

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Inday Barretto hinggil sa pahayag ni Marjorie. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Untruthful, slanderous!' Raymart Santiago, bumwelta sa mga pasabog ni Inday Barretto laban sa kaniya