December 12, 2025

Home BALITA Eleksyon

Comelec: Voter registration, suspendido muna ngayong Undas

Comelec: Voter registration, suspendido muna ngayong Undas

Inanunsiyo ng Commission on Elections (Comelec) na pansamantala muna nilang sususpindihin ang lahat ng voter registration activities sa bansa ngayong Undas.

Sa abiso ng Comelec, nabatid na ang suspensiyon ay ipatutupad mula tanghali ng Oktubre 30, Huwebes, hanggang Nobyembre 2, Linggo, upang bigyang-daan ang All Saints' Day at All Souls' Day

."Bilang paggunita sa Undas suspendido ang voter registration mula tanghali ng Oktubre 30, 2025 hanggang Nobyembre 2, 2025," nakasaad sa Comelec advisory. 

"Kasama ng buong bansa, iginagalang natin ang alaala ng mga yumao na. Sa pamamagitan ng panalangin, pag-aalay, at pagninilay-nilay, pinapanatili nating buhay ang kanilang espiritu sa ating mga puso. Nawa'y makatagpo ng kapayapaan at liwanag ang kanilang mga kaluluwa," dagdag pa nito.

Eleksyon

#BalitaExclusives: Malawak na alyansa ng oposisyon vs VP Sara sa 2028 elections, posible nga ba?

Matatandaang ipinagpatuloy ng Comelec ang voter registration sa bansa noong nakaraang linggo para sa 2026 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sinimulan ito noong Oktubre 20, 2025 at magtatapos sa Mayo 18, 2026. Hindi naman kasali dito ang mga lugar sa Bangsamoro na magkakaroon ng sariling registration period sa susunod na taon.