December 12, 2025

Home BALITA National

3 sa 10 air assets ni Zaldy Co, sumibat na sa bansa—CAAP

3 sa 10 air assets ni Zaldy Co, sumibat na sa bansa—CAAP
Photo courtesy: CAAP (FB), MB FILE PHOTO

‘MERON NANG TATLONG NAKALABAS…’  

Kinumpirma ng Civil Aviation Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nakalabas na umano sa bansa ang tatlo (3) sa sampong (10) air assets ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co. 

Ayon sa naging panayam ng True FM kay CAAP Director General Raul Del Rosario nitong Miyerkules, Oktubre 29, sinabi niyang nakalabas na sa bansa ang dalawang helicopter at Gulfstream g350 na pagmamay-ari umano ni Co. 

“Meron nang tatlong air assets na nakalabas [ng bansa]. Dalawang helicopter at ‘yong isang tinatawag natin na Gulfstream g350,” pagsisimula niya. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ani Del Rosario, buwan ng Agosto nang unang makalabas ang mga nasabing helicopter patungong Malaysia at noong Setyembre naman sumibat ang Gulfstream ni Co patungong Singapore. 

“‘Yong una pong nakalabas ay no’ng August 20, ‘yong isang helicopter, at no’ng August 16, ‘yong Gulfstream g350[...] ‘yong helicopter na isa pa ay [September 11],” aniya. 

“‘Yong dalawang helicopter ay tumungo sa Kota Kinabalu [Malaysia], ‘yong Gulfstream naman ay tumungo sa Singapore,” paglilinaw pa ni Del Rosario. 

Pagpapatuloy ni niya, may kabuuan daw na sampong (10) si Co na nakapangalan sa mga korporasyong may kaugnayan sa kaniya. 

“Ang total ay sampu. Merong apat (4) na nakapangalan sa Misibis Aviation & Development Corporation at mayroong dalawa sa na nakapangalan naman sa subsidiary ng Misibis Aviation, itong Misibis Resort and Hotel Management Corporation,” ‘ika ni Del Rosario. 

“At mayroon pang apat na nakapangalan naman sa Hi-Tone Construction and Development Corporation na kasama rin na incorporator si former congressman Zaldy Co,” pahabol pa niya. 

Nilinaw naman ni Del Rosario na ayon umano sa record nila, nasa iba’t ibang mga hangar sa loob ng bansa ang iba pang air assets ni Co na hindi pa nakakalabas. 

“Ito pong iba ay nasa iba’t ibang hangar dito sa Pilipinas. Sa record po namin ay nasa Bicol hangar[...] mayroon din po kami, as far our record is concern ay mayroon pang naririto sa Misibis hangar sa NAIA,” pagtatapos pa niya. 

MAKI-BALITA: Zaldy Co, hindi pa rin nakakabalik sa Pilipinas—BI

MAKI-BALITA: Zaldy Co, inisyuhan ulit ng subpoena ng ICI; aaksyunan kapag ‘di pa rin sumipot!

MAKI-BALITA: Romualdez sa pagpapauwi kay Co: 'All resource persons invited by the ICI are expected to return'

Mc Vincent Mirabuna/Balita