December 14, 2025

Home BALITA Metro

#Undas2025: DPWH, nagkukumpuni na ng mga kalsadang lubak sa Maynila

#Undas2025: DPWH, nagkukumpuni na ng mga kalsadang lubak sa Maynila
COURTESY: DPWH

Bilang paghahanda sa paparating na Undas, ipinag-utos ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon ang pagkukumpuni ng ilang kalsadang may lubak o sira sa Maynila.

Ayon sa DPWH, sinimulan na ang pagkukumpuni sa mga kalsadang may lubak o sira papuntang Manila North Cemetery, partikular sa Blumentritt Road, Aurora Avenue, at Laon Laan at Dimasalang Streets. 

Ang nasabing gaawin ay bahagi ng "Lakbay Alalay" Program para sa Undas. 

Ipinag-utos din ni Dizon sa iba pang regional at district engineering offices sa buong bansa na agad tapusin ang mga ginagawang repair works kagaya ng Operation Zero Potholes, at paglalagay ng lane markings upang matiyak na ligtas at maayos ang daloy ng trapiko para sa mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya at mga sementeryo.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg