December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Sen. Robin, namiss si BB Gandanghari: 'Noong nag-out siya, hindi na kami nag-usap!'

Sen. Robin, namiss si BB Gandanghari: 'Noong nag-out siya, hindi na kami nag-usap!'
Photo courtesy: Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda (YT)/BB Gandanghari (FB)

Inamin ni Sen. Robin Padilla na masaya siyang maayos na ulit ang relasyon nila ng kapatid na si BB Gandanghari, o dating si Rustom Padilla.

Sey naman ng aktor at senador sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, Oktubre 28, na noong nagladlad si BB bilang isang transwoman, hindi na raw sila nakapag-usap.

Kaya recently na nakikita ng publiko na nagkaka-bonding na ulit sila, talaga namang hindi lang mga netizen ang natuwa kundi maging si Binoy.

"Namiss ko siya eh. Noong nag-out siya, hindi na kami nag-usap."

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

“Kaya noong dumating ‘yong [time] na naging close kami ulit, ‘yon pala 'yong isang nami-miss ko sa buhay ko, ‘yong relationship ko sa kaniya," aniya pa.

Matatandaang nagladlad nang tuluyan si BB sa kaniyang sexual orientation ng maging celebrity housemate siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition 1 noong 2006 kung saan umamin siya sa kapwa housemate na si Keanna Reeves.

Bago maging BB, sikat si Rustom bilang isang matinee idol at action star.