December 12, 2025

Home BALITA Politics

Sen. Go, pinatawag sa ICI pero ayaw sumipot?

Sen. Go, pinatawag sa ICI pero ayaw sumipot?
Photo Courtesy: Antonio Trillanes, Bong Go (FB)

Ibinahagi ni dating Senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ang nasagap niya umanong impormasyon tungkol kay Senador Bong Go.

Sa latest Facebook post ni Trillanes nitong Martes, Oktubre 28, sinabi niyang ipinatawag umano si Go ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ngunit tumangging dumalo.

“I have information that Bong Go was already invited to appear before the ICI pero ayaw nyang pumunta, unless kasama nya sina Imee at Bato para may tiga-abogado sa kanya,” ani Trillanes.

Dagdag pa niya, “Let’s keep the pressure on - dapat imbitahan si Bong Go kasama ang tatay at kapatid nya.”

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Matatandaang sinampahan kamakailan ni Trillanes sa Office of the Ombudsman ng kasong plunder si Go kasama ang kapatid at ama niya gayundin si dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Maki-Balita: Sonny Trillanes kinasuhan ng plunder si FPRRD, Bong Go, 2 iba pa

Kaugnay ito sa relasyon nina Go at Duterte sa bilyong pisong imprastruktura na iginawad sa CLTG Builders at Alfrego Builders na pag-aari ng ama at kapatid ng senador.