December 14, 2025

Home BALITA Metro

‘Online Puntod Finder,’ inilunsad ng ilang sementeryo para sa mas maayos na pagdaos ng Undas

‘Online Puntod Finder,’ inilunsad ng ilang sementeryo para sa mas maayos na pagdaos ng Undas
Photo courtesy: Manila North Cemetery (website), MB

Inilunsad ng ilang sementeryo sa Kalakhang Maynila ang “Online Puntod Finder” system para madaling mahanap ng mga pamilya ang puntod ng mga yumaong kaanak sa darating na Undas.

“I-type lang nila ‘yong pangalan, lalabas po ‘yong grade number, section number, then lalabas ‘yong mapa,” paliwanag ni Manila North Cemetery Administrator Daniel Tan sa paggamit ng puntod finder, sa kaniyang panayam sa DZRH nitong Martes, Oktubre 28. 

Binanggit din niya na simula pa Hulyo ng 2025 nang sinimulan nila ang encoding  ng mga record para mabuo ang puntod finder website. 

“Mayroon [na] tayong puntod finder. Simula noong umupo kami noong July 1, nag-encode [na] kami para magawa itong website,” aniya. 

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Inanunsyo din ni Manila Mayor Isko Moreno na naglabas din ng Online Puntod Finder ang Manila South Cemetery, na mayroong kaparehas na feature sa mga record ng nakalibing. 

Bukod pa rito, nagpaalala ang Manila Public Information Office sa kanilang social media na mayroong mga naka-install na mga CCTV camera sa dalawang sementeryo, kasama ang pagbabantay ng mga uniformed at civillian personnel para matiyak ang kaligtasan ng mga pamilyang bibisita. 

Inabiso rin na bukas sa publiko ang Manila North at South Cemeteries mula 5:00 AM hanggang 9:00 PM para sa Undas. 

Sa kaugnay na ulat, mahigit-kumulang 2,403 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) personnel ang handa nang i-deploy para sa ligtas na implementasyon ng “Oplan Undas 2025.” 

Kasama dito ang mga ahensya na ighway Patrol Group (HPG), Philippine National Police (PNP), Department of Transportation (DOTr), North Luzon Expressway (NLEX), at South Luzon Expressway (SLEX) para sa pagpapakalat ng mga help desk, pulis, at traffic personnel sa mga bus terminal at sementeryo sa Kalakhang Maynila simula Oktubre 29. 

KAUGNAY NA BALITA: Mga ahensya, handa nang mag-‘full force’ para sa Undas 2025

Sean Antonio/BALITA