Nakataas ang “Heightened Alert Status” ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bilang paghahanda sa darating na Undas.
Sa memorandum na ibinaba ng NDRRMC nitong Martes, Oktubre 28, inatasan nito ang lahat ng regional at local disaster councils para sa agarang emergency response, seguridad ng publiko.
Dito ay ipatutupad din ang traffic management sa mga sementeryo, pantalan, at terminal, maging ang pagpapakalat ng tamang impormasyon at paalala sa publiko.
Ang inisyatibang ito ay isasaakto sa pakikipagtulungan sa ibang ahensya sa gobyerno kabilang ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH)
Sa kaugnay na ulat, higit 30,000 na pulis ang handa nang ipa-deploy ng PNP sa iba’t ibang panig ng bansa mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 3.
KAUGNAY NA BALITA: Higit 30,000 na pulis, ready na sa deployment para sa ligtas na Undas 2025
Naka-antabay na rin ang mahigit-kumulang 2,403 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) personnel bilang paghahanda sa mabigat na trapiko at dagsa ng mga tao sa Kalakhang Maynila.
KAUGNAY NA BALITA: Mga ahensya, handa nang mag-‘full force’ para sa Undas 2025
Sean Antonio/BALITA