Ibinahagi ng aktor na si Derek Ramsay ang ilang “sweet moments” nila ng anak na si Liana, matapos umugong ang mga usapin hinggil sa pagliban niya sa 1st birthday celebration nito kamakailan.
Ayon sa kaniyang misis na si Ellen Adarna, pinadalhan umano nila ng invitation si Derek, ngunit hindi nila alam kung bakit hindi ito sumipot.
KAUGNAY NA BALITA: Ellen sa urirat bakit wala si Derek sa b-day ni Liana: 'Pinadalhan naman siya ng invitation, ‘di pumunta!’-Balita
Ibinahagi naman ni Derek sa kaniyang Instagram post noong Lunes, Oktubre 27, ang isang video kung saan makikitang karga niya ang anak, habang hinahalik-halikan ang kamay nito.
“Best feeling in the world,” aniya sa caption.
Photo courtesy: Derek Ramsay/IG screenshot
Bago pa man ibahagi ni Derek ang video na ito, umaalingawngaw na ang ilang isyu patungkol sa hiwalayan nila ng actress-model na si Ellen Adarna.
Matatandaang kamakailan lamang ay napansin ng ilang “eagle-eyed” netizens ang pagtanggal ni Ellen sa apelyidong “Ramsay” sa kaniyang IG account.
KAUGNAY NA BALITA: Sey mo Derek? Apelyidong 'Ramsay' waley na raw sa IG account ni Ellen, netizens naintriga!-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA