January 04, 2026

Home BALITA Probinsya

Klase at opisina ng gobyerno sa Tipo-Tipo, kanselado matapos lusubin ng MILF

Klase at opisina ng gobyerno sa Tipo-Tipo, kanselado matapos lusubin ng MILF
Photo Courtesy: LGU Tipo-Tipo (FB)

Sinuspinde ng lokal na pamahalaan ng Tipo-Tipo ang mga klase sa paaralan at opisina ng pamahalaan matapos lusubin ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasabing bayan.

Sa abisong ibinaba ng LGU- Tipo-Tipo nitong Martes, Oktubre 28, pinaalalahanan nila ang mga residente na maging maingat at mapagmatyag.

“All classes and government work are cancelled until further notice. Everyone is advised to stay safe, and be vigilant. PRAY FOR TIPO-TIPO,” saad sa caption.

Samantala, ayon kay Tipo-Tipo Municipal Mayor Ingatun G. Istarul, kasalukuyan pa rin nasa stand-off ang magkabilang panig habang patuloy na ginagawa ang negosasyon.

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

“Bilang inyong Punong Bayan, tayo ay nakikipag-ugnayan ngayon sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang kapayapaan at kaligtasan ng ating mga mamamayan dito sa Tipo-Tipo,” saad ng alklade.

Dagdag pa niya, “Hinihiling ko po sa lahat na manatiling kalmado, huwag magpakalat ng mga hindi kumpirmadong impormasyon, at sumunod lamang sa mga opisyal na abiso mula sa ating pamahalaan.”

Sa huli, hiniling ni Istarul sa kaniyang mga residente ang tiwala, pagkakaisa, at panalangin para sa ikaayos ng lahat.